Friday, October 31, 2008

HALO-HALLOWEEN 2

Halo-halong paksa at kwento ngayong Halloween 2008
Scariest Places In The Philippines
Papalapit na naman ang pasko at hindi pa napapanahon na iyon ang topic ko para i-post ko. Isang post na napapanahon ngayong halloween, ang scariest places sa Pilipinas, ang P.I. Mahilig ako sa horror films at mga kwentong kakatakutan, pero wag mo lang akong dalhin mag-isa sa loob ng alinmang lugar na ito, kahit reality show pa yan kung saan may premyo kang maiuuwi. Mahilig maglaro ang isipan ko pag nasa dilim akong mag-isa, kung anu-ano ang naiisip ko, sa aking opinion, ang mga lugar na ito sa Pinas ang magpaparamdam sa aking ng sobrang takot, at hinding-hindi ko kayang pasukin mag-isa, sa dami ng aking narinig at nabasang mga kwento tungkol sa lugar na to.

1. PHILIPPINE MILITARY ACADEMY (BAGUIO CITY)
Sinasabing maraming kaluluwa raw ang nagmumulto sa lugar na ito. Minsan sa kalaliman ng gabi, may maririnig kang isang platoon na nagmamartsa sa paligid. Mayroon ding multo ng isang kadeteng naka-unipormeng pangsundalo na iniwan sa isang locker ay madalas ding magpakita. Ang multo ng isang pari na pinugutan ng ulo noong panahon ng hapon ay madalas ding magpakita. May nagsasabi ding may nagpapakita din raw na white lady sa loob ng akademya.

Photo courtesy of pbase.com

2. DIPLOMAT HOTEL (BAGUIO CITY)
Dati itong seminaryo noong 1900, panahong ng World War II. Ilang mga pari at madre ang napatay at ang ilan ay napugutan ng ulo ng mga Hapon. Ito ngayon ay ginawang hotel matapos ang giyera. Clerks, bell hops at hotel guest ay madalas magreklamo sa iyak na kanilang naririnig kahit araw. At sa gabi, may mga pagpapakita ng ilang paring pugot ang ulo na naglalakad sa mga corridor. Ang ilan ay nagsabi na may nakita silang ulong pugot na pari na bitbit ang kanyang ulo nakalagay sa tray. Ang mga bahay na nakapaligid sa labas ng hotel ay may nakamarkang krus sa kanilang mga pintuan na kanilang isinasara sa pagsapit ng gabi. Ang dating Diplomat Hotel sa Dominican Hill, Baguio City ay pinapaniwalaang haunted. Isinara ito noong 1987 at tuluyang ng inabandona.

Photo courtesy of photoblog.sayotequeen.com

3. TEACHER’S CAMP (BAGUIO CITY)
Pinaniniwalaan na ang lugar na ito raw ay naging battlefield ng mga sinaunang tao sa Baguio. Multo ng mga native warriors, mga ispirito ng mga hindi matahimik ay madalas Makita sa lugar na ito.

Photo coustesy of cityofpines.com

4. DE LA SALLE UNIVERSITY (MANILA)
May isang chapel na makikita sa 2nd floor ng De La Salle University at sabi ng ilang ghost experts, marami daw supernatural entities ang kanilang nakikita sa lugar. Ang main building ay minumulto din ng ilang mga kaluluwa sa sinasabing biktima raw ng isang mass killing noong World War II. Sa kalaliman daw ng gabi at pag tahimik na ang lugar saka sila naglalabasan. May nagpapakitang mongheng pugot ang ulo at naririnig na mga sigawan ng tao lalo na sa gabing maulan.
Photo courtesy of dlsu.edu.ph

5. CENTRAL PHILIPPINE UNIVERSITY (ILOILO CITY)
Isang school janitor pati na ang mga estudyante at mga guro sa eskwelahang ito ay pare-pareho ang kwento, na kapag napadaan ka isang gabi sa gusaling ito (Ruby Hall) matapos ang locked-down, ang mga ilaw sa isang classroom ang lagging nakabukas habang sarado ang iba. Sinasabing may mga kakaibang nilalang daw ang nasa loob ng silid-aralan na ito Ito na daw ang pinaka-haunted halls sa unibersidad. Ito kasi ang medical hall ang naging storage ng mg cadavers na ginagamit ng mga medical students. Mula sa ilang naglalamigang lugar dito at sa naggagalawang mga kasangkapan, hanggang sa minsan ay maramdamang mong may tumulak syo o pagtripan ng mga nilalang na ito sa iyong paglalakad.

Photo courtesy of cpu.edu.ph

6. OZONE DISCO (QUEZON CITY)

Noong Marso 18, 1996, 4th year high school pa lang ako non, isang trahedya ang nangyari at naging laman ng lahat ng balita sa radio, telebisyon at mga phayagan. Ang Ozone Disco sa Timog, Quezon City, dati itong disco house na madalas dayuhin o puntahan ng kabataan. Punong puno ang disco house nang mangyari ang trahedya. Habang lumalaki ang apoy sa loob ng disco house, nagpanick ang mga tao at nagmamadaling makalabas ng gusali at pinipilit itulak ang pinot palabas na dapat ay pahila mula sa loob, kaya ang mga tao ay hindi makalabas at unti-unting nasunog. Ang trahedyang ito ay bumuwis ng 162 buhay ng kabataang pinoy kung saan ang lahat sa kanila ay mga estudyante sa kolehiyo. Mga ilang tao na nakatira malapit sa Ozone Disco ang nakapagsabi na may naririnig silang mga disco music tuwing gabi at nakakakita minsan ng mga taong sumasayaw sa pinangyarihan. Dahil sa nasunog na ang gusali, may mga kwento at usap-usapan na ang sinuman mang magtayo ng isang gusali malapit sa Ozone Disco ay hindi suswertihin.

Photo courtesy of wikipedia.org

7. MIRIAM COLLEGE (KATIPUNAN)
Sa isang ladies comfort room sa ikalawang palapag ng Caritas Building, sinasabing may nagmumultong ditong madre. Ayon sa mga estudyante dito, madalas daw itong dumungaw sa ilang stall o cubicle habang may gumagamit. Makikita mo ang mukha ng madre sa ibabaw ng pinuan ng cubicle ngunit pagtingin mo sa ibaba ng pintuan ay wala raw itong paa.

Photo courtesy of flickr.com

8. UNIVERSITY OF SANTO TOMAS (MANILA)
Ang UST ang pinaka-matandang eskwelahan sa bansa, itinatag ito noong taong 1611 ng mga Espanyon. Multo at mga boses na animoy humihingi ng tulong ang maririnig sa ika-3 at ika-2 palapag ng UST Main Building. Dahil ito ang pinakamatandang gusali sa pinakamatandang katolikong Unibersidad sa Pilipinas, sinasabing mga kaluluwa ng mga espanyol at Pilipino ang napatay sa lugar na iyon. May mga report din na pati mga dormitoryo ng mga estudyante ditto ay minumulto.

9. BALETE DRIVE (KATIPUNAN)
Ang kalsadang ito ay masyado ng kilala, lahat ng tao sa Pinas, bata man o matanda ay alam ang lugar na ito. Ang Balete Drive ay isang residential area na kilala bilang lugar kung saan may nagpapakitang white lady. Sinasabi nila noong dekada 50 pa, may isang dalaga raw ang ginahasa ng isang taxi driver sa lugar na ito. Posible raw na ang babae sa Balete ay gustong maghiganti kaya madalas nitong biktimahin ay ang mga cab driver hanggang sa ngayon.
Photo courtesy of photobucket

10. MANILA FILM CENTER (MANILA)
Nang minadali ang pagpapatayo ng Film Center sa Cultural Center of the Philippines complex noong 1980s para sa isang international film fest, sa panahon ng pamumuno ni dating presidente Marcos, bumigay ang scaffolding ng kisame ng gusali na pumatay sa ilang manggagawa na nasa ilalim nito. Dahil sa minamadali ang pagtatayo ng gusali, imbes na mai-rescue ang ilang mga hinihinalang buhay pa at nakuha ang bangkay ng mga biktima, tinuloy pa rin ang pagbubuhos ng concreto, lumibing sa mga labi ng biktima. Ang ilan ay nalibing at nasemento ng buhay sa orchestra. Ilang pangmumulto ang nararanasan sa lugar, kaganapan tulad ng mga mala-misteryosong tunog, boses at ilang poltergeist activity. Noong 1990s, isang grupo ng Spirit Questor ang nagsimulang bumisita sa lugar upang mapatahimik ang mga kaluluwa ng mga nailibing na biktima. Sinasabing ang ilan ay nanahimik na at mayroon pa ring natira. 11. NEVADA HOTEL (BAGUIO CITY)
Nang matapos ang malakas na lindol noong 1990 na pumalo sa intensity 8 sa Richter Scale, ang Nevada Hotel ay nahati sa dalawa, nag-iwan ng malaking sugat sa gusali na ihihahalintulad sa Hyatt Terraces. Mahigit 40 ang natagpuang patay sa lugar, ang mga tao sa Baguio ay hindi malimutang ang mga eksena at tagpo ng mga inaagnas na bangkay habang inaalis sa gumuhong Nevada Hotel. Sa ngayon, ang kalahati ng minsang tinawag na Nevada Hotel ay isa ng ngayong commercial hub at pinangalanang Nevada Plaza. Ang mga taga-rito ay nagsasabing ang mga kaluluwa ng mga biktima ay nananatili pa rin sa Nevada. Ang ilang mga tao at security guards sa lugar, na sa gabi raw ay may makikitang kang mga multo sa loob ng gumuhong gusali, animo’y naghahanap ng malalabasan.
12. LOAKAN ROAD (BAGUIO CITY)
Magtanong ka sa kahit kanino tao na taga rito sa Baguio tungkol sa makapanindig balahibong lugar, at ituturo nila sa iyo ang Loakan Road. Sinasabing daan-daang nawawalang mga kaluluwa raw ang nananatili sa lugar na ito. Sa kaalaman ng nakararami ito ay isang himlayan ng mga sundalo noong giyera. May kwento nanggaling sa isang driver na nakakita raw siya ng isang babaeng tumatawid sa kalsada, Ay may ilan din ang nagkwento sa amin na ang babaeng iyon daw ay ang kaluluwa na naibalitang ginahasa at pinaslang ng isang taxi driver malapit sa sementeryong iyon.
Photo courtesy of loakancityscape.photobucket

13. BAHAY NA PULA (SAN ILDEFONSO, BULACAN)
Ang Bahay na Pula sa San Ildefonso, Bulacan ay ang lugar na ginalang at iniwasan. Ito ay naging standing monument ng mga Pilipino noong WWII sa kanilang pagkabayani at sobra-sobrang hirap. Noong panahon ng hapon, ang lugar na ito ang barracks ng mga kalaban. Matinding torture, sakit at kamatayan ang nangyari sa bahay na pula, ay patuloy na nagmumulto sa mga taga-rito. Sinasabi na nakakarinig sila ng mga iyak ng mga batang babae, tinatawag ang kanilang mga ina, malapit sa cr ng bahay, na sinasabing dito ginagahasa ng mga hapones ang mga kabataan Filipina. Sa labas ng bahay naman, may nakakakita ng mga multong walang ulo, kung saan ditto rind aw pinugutan angilang mga Pilipino. Malala pa rito, pinaghuhukay pa sila ng kanilang libingan bago sila pugutan ng ulo.

Photo courtesy of farm3.static.flickr.com

HALO-HALLOWEEN 1

Halo-halong paksa at kwentong pang-Halloween 2008 Scariest Movies
Ginagawa na rin sa atin ngayon ang kagawian ng mga Amerikano ang trick-or-treat, hindi pa uso ‘yon nung bata ako, hindi ko ‘yon nadaanan. Pero okey lang. Hindi ko naman kultura ‘yon, eh.
Katunayan, masaya ko pagsumasapit ang panahong ito, dahil nagkakasamasama kaming magpipinsan sa puntod ng lolo naming. Tila walang katapusan ang araw at gabi ng kuwentuhan, biruan, kainan, takutan, habulan, palakihan ng wax ball at kung anu-ano pa. Parang Pasko nga ang pakiramdam kasi maginaw na rin, maraming pagkain at masaya.

Kung medyo trip nyo lang ang nasa bahay at mag-horror dvd marathon ito ang ilang listahan na pwede nyong i-rent sa mga video shop. Mga pelikulang nagpasigaw syo sa loob ng sinehan, nagpabilis ng tibok ng puso mo sa lahat ng eksena, hindi nagpatulog syo, at minsan ay nagpapakita pa sa mga panaginip mo. Maghanda ka na ng mga rosaryo, krus at bawang. Matulog ka ng maaga ngayon at huwag mong papatayin ang mga ilaw. Kung matapang ka, subukan mong panoorin ang ilan sa mga listahan at alalahanin mo ang mga pelikulang nagbigay sayo ng kilabot.

Top 10 Scariest Philippine Movies
Courtesy of WikiPilipinas:
Ito ang top 10 scariest Philippine movies ayon sa WikiPilipinas.
10.
Shake Rattle and Roll II (Episode 3:Aswang)
9.
Sukob
8.
Feng Shui
7. Ouija
6. Pasiyam
5.
Sigaw
4. Patayin Mo Sa Sindak si Barbara (1974)
3. Impaktita
2.
Tiyanak
1. Halimaw sa Banga

Kung hindi nyo hilig ang local films, ito ang top 50 Scarieast Horror Movies of all time ayon sa Starmometer. Ngayong malapit na ang Halloween at nais nyo ng kakatakutan, try nyong panoorin ang ilan sa mga movies nato. Iilan lang ditto ang napanood ko na at deserving naman ang mga iton na mapasama sa listahan na ito;

50 Scariest Horror Movies of All Time
Courtesy of STARMOMETER

50. The Hills Have Eyes 2 (2007) (tied with) Turistas (2007)

49. The Grudge (2004)
48. Flesh Eater (1988)
47. The Vanishing (1988)
46. Child’s Play 3 (1991)
45. Friday the 13th: The Last Chapter (1984)
44. Zombies (2003)
43. Fright Night (1985)
42. Nightmare 2: Freddy’s Revenge (1985)
41. Child’s Play 2 (1990)
40. Nightmare 3: Dream Warriors (1987)
39. The Omen (1976)
38. Nightmare 4: Dream Master (1988)
37. Child’s Play (1988)
36. Freddy VS Jason (2003)
35. The Thing (1982)
34. Poltergeist (1982)
33. Saw III (2006)
32. Jason Lives (1986)
31. Jason X (2001)
30. Friday the 13th Part 3 (1987)
29. Phantasm III: Lord of the Dead (1994)
28. Friday the 13th Part 8: Jason Takes Manhatan (1989)
27. The Shining (1980)
26. The Hills Have Eyes (2006)
25. Saw II (2005)
24. Bram Stroker’s Dracula (1992)
23. Shaun of the Dead (2004)
22. Psycho (1960)
21. Phantasm II (1988)
20. The Texas Chainsaw Massacre (1974)
19. Phantasm IV: Oblivion (1988)
18. The Ring (2002)
17. Evil Dead 2: Dead by Dawn (1987)
16. Hellraiser (1987)
15. Nightmare on Elm Street (1984)
14. Saw (2004)
13. The Exorcism of Emily Rose (2005)
12. Phantasm (1979)
11. Friday the 13th (1980)
10. 28 Days Later (2002)
9. Thirteen Ghosts (2001)
8. The Evil Dead (1982)
7. Dawn of the Dead (1978)
6. The Blair Witch Project (1999)
5. 28 Months Later (2007)
4. Halloween (1978)
3. The Exorcist (1973)
2. Night of the Living Dead (1968)
1. Return of the Living Dead (1985)

Thursday, October 30, 2008

TESTING

Witness sa Concrete Cylinder Testing
October 24, 2008
Bilang isang site inspector sa new project ko dito sa Pascual, ang QSD, PRD, RM/PM & FG Building, kailangan maging witness ka o sumama ka sa contractor para maging witness sa mga gagawing material testing. Importante ang material testing lalo na sa concrete, dito mo kasi malalaman ang strength o tibay ng concrete. Ang bawat concrete pouring ay kinukuhanan ng 3 sample (3 Cylinder – 1st batch, middle batch at last batch), kung saan ang baway sample ay may 28 days of curing, after 28 days dadalin na ang sample sa mga testing center, kung nakuha na nya ang designed strength (4000 psi para sa beams, columns at slab; 3500 psi para sa footing at tie beams) maari ng isunod ang scheduled pouring. Pagiging witness sa mga testing ng materials ang ginagawa ko. Masaya rin kc nakakapunta ako s mga testing centers like ng concrete at rebars, masaya kasi makakalabas ka ng Pascual Compound. Kasama ko ang mga Project Managers ng V.B. Columna Construction Corporation 0 VBCCC. Masarap rin maging witness, kasi sagot nila ang lunch o meryenda mo.

Ang bawat sample ng concrete cylinder ay nilalagyan ng marka kung kelan at anung uri ng structure ito kinuhanan. Sa dami ng pouring schedule, kailangang markahan ang cylinder para madali itong mahanap at malaman din ang araw ng buhos.
Ang actual na kuha ng concrete testing. Dito kino-compress ang isang cylinder upang makuha ang compressive strength nito. Malalaman mo ang compressive strength ng isang concrete pag nagsimula na syang magkaroon ng crack at tuluyang ng mabasag.

BAHAY

Mga Model House Design Ko!

Taong 2006, limang buwan matapos akong magresign sa dati kong employer, ang F.M. Construction Company Inc.o FMCC, hinahanap na ng katawan ko ang pagod sa trabaho, batong-bato ko sa bahay non, kung anu-ano ang kinakalikot, inaayos, pati buong bahay naming lingo-linggo iba-iba ang ayos.

Dahil sa pag-aantay ko sa mga tawag ng mga inaplayan ko, naisip ko na lang gumawa ng sarili kong design ng mga simpleng bahay, mga disenyo ko na binase ko sa gusto kong design, na binase ko din sa mga pangarap kong bahay.

Ang ilan lamang sa mga BEST DESIGN ko at nais ko lang i-post sa blog ko…

Model House #1: NIÑA
Ang wife ko
Ang dream house ko, na ipinangalan ko sa wifey ko…isang single-storey residence with 2 bedroom, 2 bathroom, dirty kitchen sa likod, patio at syempre mokong’s private room (room para sa lahat ng collection ko na ako lang ang makakapasok para walang makagalaw o makahiram). Model House #2 : VICTORIANO
Ang tatay ko
Isang 2-storey residential house with 4 bedrooms & 3 bathrooms. Model House #3: ENZO
Ang future son ko!
2-storey residential with 3 bedrooms & 2 bathroom. Model House #4: MARIA
Ang Lola Maring Ko
Sa lahat ng ginawa kong design, ito lang ang naitayo, design para sa tita ko upang gawing resthouse sa Tayabas, Quezon Province. Last January 2007, sinimulan itong gawin at sa ngayon ay kasalukuyan ng bahay bakasyunan. Yan ang goal ko ang makapagpatayo ng isang gusali, gusali na ako ang nagdisenyo.At ang “Maria” ang una pa lang sa paunti-unti kong pinagkakatitaan noong wala pa kong trabaho. Sa ngayon kahit may trabaho nako, nagsa-sideline pa din ako para magdesign at gumawa ng plano. Salamat na lang sa mga nagtitiwala sa design at kakayahan ko.

Monday, October 27, 2008

TUKAYO

Habang nakikinig ako RX isang araw, isang news item ang tinutukang kong pakinggan, sabi sa balita na parami ng parami na raw ang mga taong ang naghahanap sa google ng kanilang sarili. Kaya minsan sa kabatuhan ko at walang ibang magawa, sinubukan kong hanapin sa Google ang pangalan ko, type S..H…E…R…W…I…N, press SEARCH…. Uwaaaahhhhh!!! Dami kong kapangalan, dami kong ka-TUKAYO!!!
Ilan lamang sa mga Sherwin na nahanap ko sa google, mga ilang personalida, istablishement, company, places, kahit saint meron…;
Dr. Sherwin W. Howard (1936-2001)
Dating presidente ng Deep Springs College, naging dean ng College of Arts & Humanitaties sa Weber State University, editor ng Weber Studies, at isang magaling na manunula at playwright.
Ang Dr. Sherwin W. Howard Award, ay isang award giving body para sa Poetry, presented annually para sa mga may akdang napili bilang magaling na manunula na nai-published sa Weber Studies ng nakaraang taon.

Sherwin Miller (1927-1998)
Taong may pagmamahal sa Judaism.Taong nangarap na mai-preserve ang walang katumbas na halagang mga collection ng kultura at history ng Jewish Community. Dahil sa kanyang pagpupursigidong ito, naitayo ang The Sherwin Miller Museum of Jewish Art.


Sherwin B. Nuland
Isang American surgeon at author, nagtuturo ng bioethics at medisina sa Yale University School of Medicine. May-akda ng The New York Times bestseller at National Book Award winning na HOW WE DIE. Sumusulat din sya ng article sa The New Yorker, The New York Times, The New Republic, Time at New York Reviews of Books.

Sherwin Campbell Badger (19011972)
Isang American Figure Skater. Nakakuha ng titulo sa US Figure Skating Championships mula 1920 hanggang 1924. At naging silver medalist sa 1932 Winter Olympics. Sherwin Bitsui
Isang magaling at sikat na manunula. Naging recipient ng 2000-2001 Individual Poet Grant na mula sa Witter Bynner Foundation para sa Poetry. Sherwin Burickson (1934-2004)
Isang psychologist, writer. Kauna-unahang Jewish editor ng Catholic Encyclopedia, at sumulat ng “A Concise Dictionary of Contemporary History”, na nai-prenta nong 1959.
Sherwin David Harris a.k.a. Wood Harris
Isang American Actor na nakilala sa kanyang pagganap bilang Avon Barksdale sa isang dramang pang-telebisyon na The Wire at bilang Julius Campbell sa Remember the Titans Sherwin Ganga
Isang criketer na naglalaro para sa bansang TriniAdd Imagedad and Tabago. Isang offspin bowling allrounder.
Sherwin Glass




James Terry Sherwin
Isang American Corporate Executive at International Master ng larong chess.

Saint Ralph Sherwin (1550–1581)
Isang English Roman Catholic martyr and Saint.

Sherwin Family Vineyard
Isang 16-acre vineyard sa tuktok ng Spring Mountain sa Napa Valley. Sherwin Beach Press
Isang maliit na imprentahan ng mga nonfiction prose. Naitatag noong 1984.Sherwin Creek Road Sherwin Pub & Restaurant
Sierra Meadows Ranchin Mammoth Lakes, Ca Sherwin Gardner

NEGATIVE

Wala lang Magawa
Sa hilig ko sa photography, at sa hilig ko maglaro ng mga kuha, effects man o style, dami akong nakuhanan na experiment ko lang… nag-try akong kuhanan ang mga nasa paligid ko gamit ang negative effect sa camera. I just found it so amusing and interesting. Experiment ko lang ang mga kuha na to, pero para sa akin, di ko akalain na ganito ang kalalabasan. Kaya share ko lang sa inyo ang ilan sa mga kuha ko gamit ang negative effect
Flaming Rocks
The Burning Bush Tree of Flame Chamomile Plant Ang Diwata Sunset o Sunrise? Ocean of Rice Field Hand Shadow

Glowing HandConnecting Peaple Ad

GABON

Survivor Season 17 Last September 26, nagsimula na ang ika-17 season ng Survivor, ang mother of all reality shows. Katulad nung last season, ang Survivor Micronesia, na napaka-successful at exciting na season, aabangan at susubaybayan naming ang baway episode ng season na ‘to. Excited talaga kami ni Nina sa season na ‘to, sa replay o primetime telecast ko lang napanood ang 2-hour pilot nito at hindi ang via satellite broadcast ng 2pm (Friday) dahil may work ako. Dahil avid fanatic ako ng survivor, niri-record at binu-burn ko ang bawat episode, pati yung previous season, Survivor Borneo hanggang Survivor Micronesia. Yung ibang hindi ko na naabutang i-record ay dina-download ko na lang sa net.
Ang ika-17 season ng Survivor ay ang kauna-unahang season kung saan mapapanood ito sa HD (high definition) format, kaya mas maganda at mas malinaw ang bawat eksena.

At katulad din ng mga nakaraang season, marami ding twist at unexpected na pangyayari na ikakagulat ng mga manonood. Survivor Gabon: Earth’s Last Eden. Isang remote ng lugar sa Gabon, Africa ang destinasyon ng 18 castaways, isang lugar sa mundo na hindi pa nagagalay ng mga tao, kaya’t tinawag nila itong Earth’s Last Eden. Ang magiging tirahan ng 18 castaway sa loob ng 39 na araw, kung saan walang tubig at pagkain. Ang mga castaway at nahahati sa 2 tribu, ang Fang at Kota. Sa pilot episode pa lang, Kota na ang pinakagusto kong tribu at todo hiyaw at tuwa naming pag sila ang nananalo sa mga chellenge. Kaya nanghinayang ako ng magkaron ng swapping sa mga castaway sa episode 4, na expected namang mangyayari sa lahat ng season ng survivor. At may bet na ako kung sino ang gusto kong maging final 4. At para hindi naman ako bias, 2 ang pinili ko sa Kota at 2 rin sa Fang;
Ang Final 4 ko Ang BET namin para maging Sole SurvivorLast Friday, nasa episode 6 na ang show, at sa 10 challenges, 8 ang napanalunan ng Kota at 2 lang ang nakuha ng Fang. Unti-unti ng nauubos ang miyembro ng Fang, at sigurado ako na isa sa mga natitirang miyembro ng Kota tribe ang mananalo. Kapanapanabik ang magaganap sa susunod na episode next week, dahil 2 castaway ang matatanggal, isa kada tribu. Ang kinasasabikan ko ding mapanood ay ang pagsasanib ng 2 tribu o yung tinatawag nilang merging, ang second-half part ng show, kung saan dito ay mababago ang takbo ng laro, dito ay magtatagisan na sila ng kani-kanilang lakas at utak laban sa isa’t-isa upang hiranging SOLE SURVIVOR.

eBay.ph P2

Ang Box of 6Ferrari Ko Last Thursday, October 23, isang araw matapos kong mabayaran ang winning item ko sa eBay, habang papuntang accounting department ay nabigla na lang ako ng tinawag ako ni Ate Vangie, ang aming receptionist dito sa Pascual, sabay abot sa akin ng isang box ng Air21 na nakapangalan sa akin. Ito na siguro yung winning item ko sa eBay, ang 6 pcs Shell Ferrari 2007 collection, isang araw matapos ko itong mapanalunan. Kaya ng makauwi na ko sa bahay, agad ko itong pinakita at pinagmalaki kay Nina, na tuwang-tuwa para sa akin, dali-dalian ko itong binuksan at, Wowww! Sobrang saya ko ng makita ko ang laman ng kahon nung araw na yon, di ko akalaing makakakumpleto ako ng collection na yun, sa sobra talagang rare at mahirap hanapin, at nakumpleto ko pa yun kahit wala akong sariling sasakyan. Sa ngayon, kailangan ko na sigurong pag-ipunan ang malaking lalagyan para sa dumaraming diecast collection ko.

Wednesday, October 22, 2008

eBay.ph

Shell Ferrari Collection 2007 Love ko at dream ko magkaroon ng isang kotse, lalo na yung blue 1st generation RAV4, dahil wala pa ko pambili, nangolekta na lang ako ng mga scaled model cars o diecast. At kahit man lang dun ay nabili at natupad ang pangarap kong RAV4.
"Ang RAV4 ko..."
Nagkaroon ng promo minsan, taong 2007, ang Shell ng mga Ferrari diecast model. Frustated akong makumpleto ang isang set 0 6 na piraso na yun, wala kong sasakyan para makapagpakarga ng V-Power, khit anung amount, at pwede kang makabili ng isang Ferrari model sa halagang PhP30 lang. Kaya tinanong ko ang kasamahan ko sa engineering, si Ryan Lontoc, kung sa shell sya nagpapakarga ng gasoline at papabili ako ng Ferrari model. Nangongolekta din daw sya at malapit na makumpleto, buti na lang daw at sinabi ko yun dahil 2 daw nabiling Ferrari Enzo model, bigay na lang nya sa akin yung isa. Sakto, yun pa namn ang favorite Ferrari model ko. Dahil dun, sobrang adik na ko sa Ferrari, pati website ng Ferrari nabisita ko na, para alamin ang history ng mga models.
"Shell Ferrari Enzo, bigay sa akin ni Ryan Lontoc"
“My diecast collection: 4 Kinsmart, 1 Shell Ferrari & 6 Hot wheels” Tapos na ang promo ng shell kaya’t di ko na ang model, isa nga lang bigay pa. May nakapgsabi akin, isang kaibigan na ngayon ay pinagkakautangan ko ng loob, na i-try ko daw sa eBay.ph at baka may nagbebenta dun. Kaya ng magkaroon ako ng panahong mag-internet, gumawa ako ng acoount ko sa eBay.ph, at nagsimulang maghanap ng Shell Ferrari Cars, swerte at may nakita ako, marami ang nagpapa-auction at buy-it-now mode. Yung iba ang laki ng starting bid, mula 300 hanggang 1000 + ang presyo, pero may nakita akong nasa 200 lang ang starting bid at ako pa lang ang unang magbi-bid, 201. 1 araw pa bago matapos ang bidding at malalaman kung ako ang winning bidder. Sinuwerte at ako lang ang nag-bid, kaya kinontak ko yung seller at sumagot naman, bank deposit ang mode of payment at Air21 o LBC daw nya papadala yung item. Lunchbreak, dineposit ko yung payment ko na PhP286.00 (PhP 201 + 85 shipping & handling fee) sa Metrobank Balagtas at kinontak ko ang seller ko para mapadala na yung item ko. Kya kinabukasan, pag-uwi ko sa bahay, saya ko ng inabot sa akin ni Nina yung Air21 pouch, at saya ko din at 2 na yung Shell Ferrari Model ko, 4 na lang at makukumpleto ko na sila!
"My 1st winning item delivered fresh to my doorstep: Shell Ferrari F2005"

Dahil 2 out of 6 pa lang nasa collection ko ng shell Ferrari, nagbrowse ulit ako sa eBay.ph at sinuwerteng nakahanap ng seller,
eBay account name: Hannah_young23.
Item for Sale: Shell Ferrari 2007 set
Minimum Bid Amount: PhP 850.00
Shipping & handling Fee: PhP 220.00
Modes of payment: Bank Deposit (BDO)

"The actual picture posted on eBay.ph"

Mura naman, 6 pcs sa halagang PhP 850 lang?
Kaya agad kong kinuha yung contact number nya at tinext,
“Good day! Ask ko alng ko lang po kung pwede kong bilin yung 4 out of 6 models? How much po?”
“Sorry set ko po kasi pinagbibili yun, hirap pong ibenta pag 2 na lang. Bigyan na lang po kita ng discount 6 ferraris for PhP 850.00 + 100 shipping na lang po.”
“Okay sige, bid ko muna, para may madagdagan yung feedback natin.”
“Okay sige, to nga pala yung BDO account name at number ko…………………..”
Kinabukasan, check ko eBay account ko, yahoooooohhhhhh!!!! Winning bidder ako, kaya nung lunch break ng araw na yon, dali-dali kong tinext si Nina, na kasalukuyang noon na nasa SM Marilao, para i-deposit sa BDO Sm Marilao yung pera. Excited na naman ako dumating ang bukas, isang malaking box na siguro ang nag-aantay sa akin sa bahay… sa dami ng pinadala ng seller.

Ang ilan lang sa marami ko pang minamanmanan at kinakalakal sa eBay;

“Shell Helix Ferrari Enzo” “Burago Ferrari Testarossa (Scale1:43)” “Burago Ferrari 438 TB (Scale 1:43)”
“Burago Chevrolet Corvette (Scale 1:43)”
"Bugaro Ferrari 308 GTB (scale 1:43)"

Morning Rush 01

Monster Radio RX 93.1 Morning habit na namin ni Nina ko pagkagising tuwing umaga ang makinig sa RX, pandagdag gising kasama ang mainit na kape. Araw-araw kasi naming inaabangan sa morning show nila Chico at Delamar (THE MORNING RUSH 6 to 9 am) ang daily top ten. Isang segment sa show kung saan nagpapadala ng entry ng listeners nila thru text, base sa topic para sa DAILY TOPTEN, mas kwela mas malaki chance mong makapasok. Oras-oras iba’t-ibang batch ng top ten, at araw-araw iba’t-ibang topic kaya’t lagi naming sinusubaybayan, isang halimbawa;

January 18, 2008 - The Top Ten Song Lyrics You’d Want On Your Tombstone
१.Loi Pogi - “Narito Ako” by Maricris Bermont: “Narito ako na lagi nang nakatingin.”
२.Silver - “Closing Time” by Semisonic: “Every new beginning comes from s0me other beginning’s end.”
३.Kangkong - “Guillotine” by Urbandub: “With your arms wrapped tight around my neck, close my eyes, I sink and grasped for breath.”
४.Acer - “Nobody Loves You” by John Lennon: “Nobody loves you when you’re old and grey. Everybody loves you ५.when you’re six foot in the ground.”
६.Tuna Belly - “Alone Again Naturally” by Gilbert O’ Sullivan: “I truly am indeed, alone again, naturally.”
७.Joeshred - “Spirit Carries On” by Dream Theater: “Move on, be brave, don’t weep at my grave, because I’m no longer here. But please, never let your memory of me disappear.”
८.Frederique/Coolanie/Your Highness - “Dito Ba?” by Kuh Ledesm: “Dito ba? Dito ba? Dito ba? O, dito ba, ang dapat kong kalagyan sa isang sulok kong hiram sa ilalim ng araw?”
९.Gorgeous Bitch - “I Will Be Here” by Steven Curtis Chapman: “I will be here when u feel like being quiet, when you need to speak your mind, I will listen. I will be here.”
१०.Mitchikay - “Eye In The Sky” by Alan Parsons Project: “I am the eye in the sky, looking at you.”
Tuna Belly/Kate Molds - “Next In Line” by After Image: “For in this cycle that we call life, we are the ones who are next in line.”
११.Nurse JP/Tonks - “Apologize” by OneRepublic: “I said it’s too late to apologize. It’s too late.”
१२.Joeshred - “Thriller” by Michael Jackson: “And grizzly ghouls from every tomb, are closing in to seal your doom!”
१३.Sadomasochist - “Join Me In Death” by Him: “Won’t you die tonight for love? Baby, join me in death.”
१४.Humdinger - “”Baby…Hit Me One More Time” by Britney Spears: “My loneliness is killing me.”
१५.Meg Cummings - “Can’t Take That Away From Me” by Mariah Carey: “Certainly the Lord will guide me where I need to go.”
१६.Sialen - “What Matters Most” by Kenny Rankin: “It’s not how long we held each other’s hand. What matters is how well we loved each other.” I’m so in love with my honey that I’m so scared that he might leave me. He’s 3 years older than me and at the age of 30, he already has so many illnesses. I’m just very very scared.
१७.Howdie - “Two Steps Behind” by Def Leppard: “It only takes a minute of your precious time to turn around and I’ll be two steps behind.”
१८.No name - “Iris” by Goo Goo Dolls: “I’d give up forever to touch you.”
१९।Jerome - “Because Of You” by Kelly Clarkson: “My heart can’t possibly break when it wasn’t even whole to start with.” (Someone who died of a heart attack)

२०.McMaki - “Go On Girl” by Ne-Yo: “Trust me when I say, that I’ll be ok. Go on, girl.”
२१.No name - “Leaving On A Jet Plane” by John Denver: “All my bags are packed, I’m ready to go…”
२२.Kobe Kong - “Stand By Me” by Ben E. King: “When the night is come and the land is dark, and the moon is the only light you see…darling, stand by me.”
२३.Acer - “I’m Only Sleeping” by the Beatles: “Please don’t wake me. No, don’t shake me. Leave me as I am.”
२४.Ten-times-karma - “Ready Or Not” by The Fugees: “Ready or not, here I come. You can’t hide.”
२५.Shining - “Another Suitcase In Another Hall” by Madonna: “So what happens now? Where am I going to?”
२६.Celex - “Get The Party Started” by Pink: “I’m coming up, so you better get the party started!”
२७.Adrian - “The Greatest View” by Silverchair: “I’m watching you, watch over me, and I’ve got the greatest view from here.”
२९.Obadiah - “Forever” by Vertical Horizon: “I don’t know if you feel me here, but I can tell you one thing is clear, I will feel you!”
३०.Celex - “Huwag Kang Matakot” by Eraserheads: “Huwag kang matakot na matulog mag-isa, kasama mo naman ako.”
Pam - “Rough Draft” by Yellowcard: “Kill me while I still believe that you were meant for me.”

January 15, 2008 - The Top Ten Things To Say To A Crazy Person
Joltino - “What’s your favorite brand of donuts? Go Nuts?
SPY Shadow - “You’re not crazy, you’re just in love!”
Kangkong - This incident happened yesterday when me and my brother were walking along EDSA when a taong grasa started walking towards us. My brother told him, “Lumayo ka sa ‘kin, kundi isasaksak ko ‘tong sapatos ko sa puwet mo!”
Cheyenne - “Let me guess, dalawa ang Mother in law mo ‘no?”
No name - “You’re one french fry short of a happy meal.”
Queen bee - “You’re crazy! C-H-I-C-O, CRAZY!”
Ubermensch - “Magkapatid ang parents mo, ‘no?”
Chloe - “How many times did your yaya drop you?”
Jedi Master - True st0ry: My semi-crazy officemate told me, “Ikaw talaga, masyado kang ‘O.S.’ eh!” So I asked what ‘O.S.’ meant. She replied, “Ano, ‘O.S.’ lang ‘di mo pa alam? Eh di obsessive-compulsive!”
Vina - A pr0fessor tells a med student during an anatomy practical exam: “Doctor, please stop asking the cadaver what that muscle is called.”
Frederique - “Si Crispin inutusan ni Batman bumili na suka. Si Basilio naman, ayun naglalaro ng PS2 kaya ayaw umuwi.”
Eylek - “Sa mga ulo ng balita: may apat na sira ulong nakatakas sa mental hospital at sinasabing sila daw po ay mga sikat na singers gaya nila Prince, Madonna, at Cyndi Lauper. At yan po ang kabuuan ng mga balita. Ito po ang inyong lingkod, si Michael Jackson.”
Shie - “Sabi ko naman kasi sa ‘yo wag ka nang tumira ng rugby eh. Sa susunod, try mo naman mag-katol!”
Tsiken Fit - When a looney officemate starts talking crazy, we tell him, “Alam mo, kung hindi namatay si Bruce Lee, sigurado naging Miss Universe siya.” That usually shuts him up and gets him thinking.
No name - 2 crazy people were trying to escape a mental facility. The 1st one jumped from one rooftop to another, but the 2nd one couldn’t. The 1st one said, “Alam ko na, bubuksan ko ‘tong flashlight, tapos tumawid ka dun sa beam of light!” The 2nd one replied, “Anong akala mo sa ‘kin, baliw? Eh kung patayin mo yung flashlight pag nasa gitna na ko?”
Grace of Makati - When I was an intern at the psych ward of Veterans years ago, I was really inexperienced. When I interviewed a new patient, he kept looking at my ring and he asked me if he could borrow it. I was alone and didn’t know what to do, so I gave it to him. When the interview was over, he refused to give back the ring, so I told my resident about it. He got it back for me, then he told me, “O, sino ngayon ang mas sira sa inyong dalawa?”
YñaKì - “Kaya ka may katok, kasi text ka ng text! Get it, katok and text?”
January 14, 2008 - The Top Ten Answers To The Question, “How Much Do You Love Me?”
Caryl - My ninang asked my cousin, ”How much do you love mommy?” My 3 yr. old cousin answered, ”Twenty pesos.” For a 3 yr. old it was probably a pretty huge amount!
SPY Shadow - “Aaah, shut up and bend over!”
Roncalde - A guy to his girl: “As much as I love math…and u kn0w I looooove math!” (then bats his eyelashes)
Your Highness - “Koya, manhed ka!”
Mr. Perk - “Pare, probably as much as you love Mare.”
Shining - If it were my beloved students asking, I’d tell them: “I love you m0re than I love myself, but a little less than I love my 0wn chldren.”
Charlie61 - “I love you php800 per session.”
Loi Pogi - “As much as I loved my exes.”
Diane - (For guys who are so into their cars) … “I love you more than I love my car.”
Gorgeous Bitch - “If I can quantify how much I love you, then I guess it’s not that much, is it?”
Eylek - “300 pesos. That’s 1 call a day at 7 pesos and 3 texts at 1 peso each to greet you good morning, happy lunch, and good night, 30 days a month.”
No name - “Enough for me to answer each time you ask, until you don’t feel you need to ask anymore.”
Bobidaks - “I can’t say, but I’m sure it’s more than yesterday.”
Doki - “About 6 inches long early in the morning. But half an inch shorter in the afternoon.”
Eidderf - “Kulang pa ba na pinayagan kitang mag mahal ng iba?”
Joan - “I l0ve you m0re than you l0ve me and m0re than I l0ve myself.” (I always used to say this to my then boyfriend for 7 years, Paulo. He’s my husband now, we’ve been married for a month)
Loi Pogi - “Kahit doblehin m0 pa yang bungangera mong nanay, mamahalin pa rin kita!”
Skinny Dipper - Back in High Sch0ol, I had a huge crush on this guy. Once, my friends asked me how much I loved him, and I said, “Kahit mabulag pa siya, maging bungal, maging lumpo, mahal ko pa rin siya.” But now, when I think about it…ewww.
Rhachael Leigh - “I won’t just die for you…I will live for you.”
SPY Shadow - “The last time you asked me that, pinakasalan kita.”
Shoao Ramiscal - “I love you and all of your pink parts.”
V54 - “Kailangan pa bang i-memorize yan?”
Since 1st year college pa lang sinubaybayan ko na ang show ng 2 DJs na to, nagpalipatlipat na ng istasyon, RX tapos lumipat ng KC FM, nang mag-iba ng genre ang KC, ngayon ay I-FM na, bumalik sila ng RX. Hinding hindi ko talaga pinapalagpas ang segment nila, dahil sasakit ang tyan mo kakatawa, lalo na’t kung si Chico pa ang magdedeliver ng entries. Masaya yung show, kaya nagustuhan na rin ni Nina, at dahil nasa office na ko ng alas-8 ng umaga, nakikinig pa rin si Nina sa show hanggang matapos ng 9am kapag nasa bahay lang. At minsan pag sobrang kwela ng topic nila, di mapigilan ni Nina na i-text sa akin yung entry na yon, at minsan kinukwentio pa pag-uwi ng bahay. Minsan nga nung nasa college pa ko, bumili pa ko ng walkman na may fm (di pa kasi uso ang i-pod at celphone na may fm nun…) para kahit papasok na ko pwede ko matapos yung show. Minsan nga nasa jeep ako at nakikinig sa kanila, nagmukha akong tanga, dahil di ko mapigilang itago yung tawa ko. Ilang taon na rin kaming mag-asawa nakikinig sa RX, hindi lang Morning Rush Show, dahil kwela din yung mga DJs ng RX, at magaganda yung playlist nila.

Tuesday, October 21, 2008

THE BROKER

Ang Ika-19 na nobela ni John Grisham





















Taong 2006 huli kong nabasa ang librong “THE LAST JUROR”, at ngayon matapos ang kumulang dalawang taon, ngayon lang ako muling nagkaroon ng pagkakataon makabasa, makabasa ng isang nobelang gawa ng isang tanyag na manunulat, si John Grisham. Matagal ko ng balak bumili ng libro nyang ito ngunit di ko maisabay sa budget ko. Minsan nga naitry ko pa itong hanapin sa eBay at baka mas mura. may nakita ko softbound copy o paperback copy P220 kasama na shipping & handling fee, okay nay un, kaya nagbid ako, ngunit na-outbid at nabigong makuha.
Huwebes, October 16, pagkagaling ng trabaho dumaan muna ako ng Pandayan at naghanap ng mga bagong libro na pwede kong mabasa bago matulog, nagbabakasakali na baka may bagong libro na si Bob Ong o kaya si Bo Sanchez. Nagbakasakali akong tumungo sa Book Sale section, at nagulat ako sa aking nakita, ang librong matagal ko ng gustong bilhin, ang THE BROKER. Sabihin na nating second hand ‘to pero very mint pa ang kondisyon, walang punit o sira, at ang maganda pa… hardbound pa sya, parang bago nga at hindi halatang second hand. At ang presyo, P150 lang, kaya’t dali-dali ko syang kinuha at binayaran sa counter. At sabik na kong makabasa na naman ng isang nobelang hirap bitawan.

Ang kwento nito ay tungkol sa kontrobersyal na biglaang pagbigay ng isang last-minute pardon ng Presidente ng America sa isang dating notoryus at makapangyarihang broker ng Washington na si Joel Backman, na ngayo’y 6 na taong nakakulong. Palayain ngunit kanilang itago malayo sa bansang America. Hindi kalaaman ng lahat na ang CIA ang nag-pressure sa presidente na gawin ito. Si Backman, noong malaya pa sya, ay may alam mga sekretong maisisiwalat hinggil sa isang satellite surveillance system, ang pinaka-sophisticated sa buong mundo. Sa kanyang paglaya, tahimik syang dinala mula sa kanyang selda tungo sa isang cargo plane, binigyan ng bagong pangalan, bagong identity, at bagong tirahan sa Italy. Sa madaling salita, nais siyang gawing ganap na Italyano bilang pagpapanggap, upang hindi sya madaling matunton at matukoy ng nais na pumatay sa kanya, mga taong pumatay sa 5 kasamahan nya.
Sa istorya, kailangan ay matuto sya ng salitang Italyano, mga kaugaliang italyano, kilos at pananamit upang hindi sya mapagkamalang dayo sa bansang Italya.Kaya pati ako, nang mabasa ko ang chapter na yon, kung saan binigyan sya ng isang tutor na magtuturo sa kanya na magsalita ng Italian, ay natuto din ako, ang ilan sa mga common words at phrases natutunnan ko;
Buon giorno – Hello to you
Sto bene, grazie, e tu? – fine, thanks, and
Sto bene, grazie – very well, thank you
Machinna – Car
Albergo – Hotel
Porta – door
Sofà – sofa
Finestra – window
Quadro – painting
Ragazzo – boy
Madre – mother
Il nonno – grandfather
Letto – bed
Lampada – lamp
Orologio – clock
Sapone – soap
Parlare – to speak
Mangiare – to eat
Bere – to drink
Pensare – to think
Specchio – mirror
Bagno – bathroom
Carta igienica – toilet paper
Guanciale – pillow
Soffitto – ceiling
Cervello – brain
Mano – hand
Braccio – arm
Gamba – leg
Respirare – to breathe
Vedere – see
Toccare – touch
Sentire – hear
Dormire - sleep
sognare - dream
Sono Sherwin – I am Sherwin
At kung marating ko man ang Italy, may alam na rin akong mga ilang pagkain na karaniwang makakain sa ilang restaurant duon, tulad ng;
Panzerotti di funghi al burro – fried mushroom pastries
Conchiglie con cavalfiori – pasta shell with cauliflower
Spiedino di carne misto alla griglia – grilled shish kabob of mixed meats

Sa takbo ng istorya, hinding-hindi mo to kayang bitawan, kaya nga buong araw ng sabado at lingo, ang libro lang na ito ang hawak ko. Nasa kalahati pa lang ako ng aking binabasa, grabe na ang suspense ng istorya, talagang di mo mabibitawan.

Thursday, October 16, 2008

PAUL ENZO

Noong binata pa lang ako madalas sabihin sa akin ng magulang ko, “ Hwag ka muna mag-aasawa, mahirap ang buhay ngayon. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo.” Pati mga kakilala kong nakakatanda sa akin, pare-peroho ang sinasabi,

“ Wag kang gagaya ke-ganire!”
“ Wag mong gagayahin si ganito.”
Nang malaman naman nila na nagka-girlfriend ako, madalas naman nilang ipaalala sa akin,
“ Naku anak, baka mabuntis mo yan, magtapos muna kayo ng pag-aaral.”
“ Naku si ganito, nabuntis, wag kayong gagaya don,”
“Sa hirap ng buhay ngayon mahirap mag-asawa, magsitapos muna kayo.”
Sinunod ko naman ang payo nilang lahat. Nakapagtapos na ko ng pag-aaral, nahiwalay sa girlfriend ko, nakapasa sa board exam, at nakahanap ng trabaho. Pero nang malaman uli nila na may girlfriend ulit ako. Naulit na nman ang mga salita at payo na tumatak na sa isipan ko. Tama naman sila, mahirap talaga ang buhay, lalo na dito sa ngayon.

Ngayon may asawa na ko, tatlong taon ng kaming nagsasama. Daming expectations, lalo na yung mga nakapaligid sa’yo. Ilang buwan after ng kasal naming,
“Anu? Buntis na ba si Nina?”
“Ang hina mo naman… bakit di nyo pa bigyan ng apo tatay mo?”
“Matanda na tatay mo… ayaw nyo pang bigyan?”
“Tagal nyo ng kasal wala pa din kayong anak?”

Nanliliit ako pag natatanong ito sa akin. Minsan nasasabi ko sa sarili ko,
“Yung ibang tao, yung walang mapakain sa kanilang anak, mga walang trabaho, lalo na yung mahihirap sa squatter, mga pulubi, bakit sila hindi lang dalawa anak nila, sunod-sunod pa. Nagpapasuso pa lang ng pang-anim na anak, buntis na.”
Daig pa nila yung mga edukadong tao, yung mga may kaya sa buhay, mga mayayaman o yung mga nakapag-aral. Diyos na lang siguro bahala sa amin kung kelan nya kami bibigyan ng anak. Kaya minsan sabi ko na lang sa sarili ko,
“May plano ang Diyos, meron syang dahilan kaya hindi pa kmi nabibiyayaan ng anak.”
Tatlong taon na naming pinapangarap ang magkaroon ng panganay, tatlong taon na din namin sinasagot ang iba’t-ibang tanong.
Kailan kaya darating sa aming mag-asawa ang araw na magpapasaya sa buhay namin? Kailan kaya darating si Paul Enzo, ang panganay na anak na matagal na naming inaasam-asam?

Alam ko matagal na rin kaming gustong Makita at makapiling ni Enzo, sabik na sabik sa alaga at pagmamahal ng kanyang magiging magulang. Bagay na hinihiling ng kahit na sinumang bata pagpasok nya sa mundong ito.

DOPPELGANGER


Ilang araw na lang Halloween na namn, uso na naman ang katatakutan. Lahat ng palabas sa telebisyon at programa sa radio ay may kanya-kanyang gimik, nakiuso lang. Napapanahon na rin siguro para maibahagi ko sa inyo ang aking kwento.
Bumukod kaming mag-asawa mula sa aking magulang, apartment type lang ang aming tinuluyan, dahil hindi pa naming kaya ang makabili ng bahay at lupa. Sa apartment na to maraming kwento at pangyayari na hindi ko maipaliwanag, sa apartment na to naniwala ako na may ibang elemento na nandito sa ating mundo, paniniwala ng karamihan na di ko sinasang-ayunan. Sa apartment na to ay may dalawang palapag, ang sala, kusina at banyo sa ibaba, at kwarto sa itaas. Kahoy lamang ang hagdan nito kaya pag umakyat ka maririnig mo ang langitngit ng kahoy.Isang araw, tanghaling tapat, wala kaming magawang mag-asawa, kaya naisipan ko muna maglaro sa aking computer, habang nagpapaantok si Nina, ang asawa ko. Sa kalibangan ko sa paglalaro, may naramdaman akong kakaiba na nagpatayo ng mga balihibo ko sa aking batok, nakaramdam ako ng kaunting hangin sa aking likuran kaya bigla-bigla akong lumingon at baka may ipis lang na lumilipad. Paglingon ko, walang ipis na lumilipad o kahit anu pa mang hayop. Nagpatuloy ako sa king paglalaro. Ang computer table naming ay nakaharap sa may pintuan pababa ng hagdanan, kaya’t nakatalikod ka sa pinto kung gagamit ka nito. Ang Kama ay katabi ng computer table malapit sa bintana, at ramdam ang hangin sa yong ulunan. Libang na libang ako sa paglalaro ng warcraft, libang na libang na halos di ko namalayan na nakatulog napala si Nina. Sa pagpapatuloy ko sa paglalaro, naramdaman ko bumangon si Nina sa kanyang kama, tinanong ko sya kung saan ang tungo nya. Sumagot sya pero hindi ko maintindihan, dahil siguro sa focus ung tenga ko sa nilalaro ko. Kaya’t tinanong ko ulit sya, bababa daw sya at ppunta ng cr. Nadinig ko ang pagbaba nya ng hagdan, ang yapak at langitngit ng bawat baytang. Di ko namalayan, kalahating oras na pala ang lumipas at di pa bumabalik si Nina, kaya’t tinawag ko sya habang nakatutok sa computer, pero di sya sumasagot. San kaya nagpunta yon at dina umakyat muli. Nang dalawin na ako ng antok, pinasyang kong umidlip sa muna kama. Ngunit paglingon ko sa kama sa aking kaliwa, nandoon si Nina, himbing na himbing sa pagtulog. Medyo nagulat lang ako at nakadama ng kaunting takot. Tumabi ko sa kanya at nag-isip, sino kaya yung bumaba ng bahay at sumagot sa tanong ko? Anu kaya yun? Sayang lang at di ko sya nakitang bumaba ng hadgan… sayang at bakit di ko sya hinarap nung may tinanong ako… di tuloy ako makatulog ng tanghaling iyon. Hindi ko masyado inintindi ang takot, tanghaling tapat naman yon, at kung gabi siguro malamang balot na ko ng kumot at katabi ang asawa ko.
Pagkalipas ng mga ilang lingo, muli na mang naramdaman. Isang umaga, wala kong pasok, habang naglalaba si Nina sa may banyo, nainip ako kaya nanood ng CSI dvd. Matapos ang 2 episodes, napansin kong nagpipiga na lang ng damit si Nina at isa-isang nilagay sa balde, upang ilabas at isampay. Patuloy ako sa aking pinapanood, nakita ko si Nina na pumasok ng pinto, binati ko, “Ang sipag ah!” Derecho siya ng banyo upang punuin muli ang balde. Tinawag ako ni Nina at papatulong buhatin yung balde, mabigat daw. Kaya’t pumunta ko. Pagdating ko ng banyo, wala si Nina, nagtaka ako kaya lumabas ng bahay at natanaw ko si Nina na nagsasampay. Tumungo ko sakanya at tinanong, “Bhe, tinawag mo ba ko upang magpatulong ng pagbuhat ng sinampay?” at sumagot sya, “Hindi, ngayon pa nga lang ako babalik sa loob para kunin yung ibang sinampay.” Pareho kaming kinilabutan, nung ikwento ko sa kanya ang nakita at narinig ko, may isang elemento sa bahay ang nanggagaya sa anyo at boses ng asawa ko.
Ang huling karanasan naming ay hindi lang sa akin nagparamdam kundi pati kay Nina, nasa lamesa ako ng kusina at gumagawa ng structural analysis, at si Nina naman ay naglalaro ng computer malapit sa kusina, (Ibinaba naming ang computer sa ibaba dahil sa hindi naming magamit ito kapag araw, dahil sa sobrang init). Tutok na tutok kaming pareho sa aming ginagawa ng pumasok si Johnjohn, kaibigan naming sa kabilang apartment, kahit nakayuko sa ginagawa, pansin ko syang pumasok at tumayo sa gilid ko at pinagmasdan ang aking ginagawa. Mayamaya tumungo sya sa likuran ni Nina at nanood ng games sa computer. Makalipas ang ilang Segundo, umalis sya at lumabas. Nagtaka ko, maingay, maharot at palatanong si Johnjohn, pero walang imik syang pumunta sa bahay naming. Lumingon si Nina sa akin at nagtanong, “Nagpunta ba si Johnjohn? “ “Oo, kaso sandali lang, tumayo nga lang, di man lang tayo binati.” Lumabas kami at pumunta sa apartment na tinutuluyan ni Johnjohn, nakausap naming ang nanay nya at sabi sa amin na kakatapos lang daw maligo. Tinawag ko si Johnjohn at nagsimula kaming magtanong kung nagpunta ba sya ng bahay, mga ilang minuto lang ang nakakalipas,. Pero di daw sya nagpunta, tanghali na daw sya nagising at dumerecho ng banyo para maligo. At ngayon pa nga lang daw balak pumasyal sa bahay namin. Kaya’t kinuwento namin sa kanila ang pangyayari. Sayang at di ko nilingon ao binati o kinausap si Johnjohn nung tumabi sa akin. Anu kaya ang mangyayari kung nakita ko sya ng harapan at nakausap?
Marami siguro sa makakabasa nito ang nagsasabi na imbento ko lamang ang istoryang to. Kayo na lang ang bahalang humusga. May mga pagkakataon sa araw-araw nating pamumuhay, na may Makita tayong bagay na bigla-biglang dadaan sa ating paningin sa gilid ng ating mga mata. Di natin masyado tong pinagkakaabalahan ng oras upang pag-isipan o pag-usapan, dahil sa bilis ng oras ntin sa ngayon at sa sobrang abala sa mga ginagawa, sa bahy man o sa opisina. Ako? di ako naniniwala sa mga multo, to see is to believe! Pero sa naranasan ko, di man sya nakita ng matagalan, naniniwala na ko na may ibang elemento dito sa mundo na hindi natin nakikita, nandyan lang sa paligid natin …nagmamasid… malay mo… kasabay mo sya ngayong nagbabasa ngjournal ko na to… ADVANCE HAPPY HALLOWEEN!!!

Tuesday, October 14, 2008

BIOMETRIC

“PLEASE PLACE YOUR FINGER….. YOU ARE AUTHORIZED”. Time-in sa umaga, time-out sa lunch break, time-in pagkatapos ng lunch break at time-out sa uwian. Apat na beses mong maririnig ang magandang boses sa likod ng isang biometric, ang sosyal at high-tech gadget kung saan fingerprints mo ang dinedetect para makapag-in o out ka sa Pascual. Dina raw uso ang bandy clock, to na raw ang pinaka high-tech sa ngayon ditto sa Pinas. Kung voice sensor kaya ang gamitin? Mahirap na baka di ka pa maka-in pag may sipon ka o malat ang boses mo, “Hoshee Henyikes, hoshee Henyikes! Hoshe Henyikes!”.
Sa pinapasukan kong trabaho, maswerte na ko ‘pag naka 100% o perfect ang attendance ko sa loob ng isang buwan, lalo na ngayon na under probation ako. Unang lingo ko bilang proby, syempre papakita ko ng gilas sa attendance ko, pero hindi pala ganun kadali sa akin yun, mahirap pala (Para sa akin). Sa loob ng isang buwan may isa o dalawang beses akong nalalate sa di sinasadyang mga pangyayari;
JULY 2008: Dalawang beses akong nalate, una ay sa tinanghali ako ng gising, lunes yon, syempre, kakatamad bumangon pag lunes, lalo na’t bitin pa bakasyon mo. Yung pangalawang beses ay di ko malilimutan, dahil sa mga jeepney driver na matatakaw sa pasahero, lalo na yung nag-aabang ng pasahero sa Petron biyaheng Malolos o Baliuag. Nararamdaman mo na nga yung buto sa balakang ng katabi mo, tuloy pa rin ang sigaw ng barker, “O, aalis na, aalis na! apat pa oh! Maluwag pa! Sakay na Mam, sakay na sir! Kasya pa apat, tigalawa magkabilaan, konting usad pa kasya pa ho kayo”. Limang minuto bago mag-alas-otso umalis na rin sa wakas ang jeep, tuluyan nang nag-abot ng barya sa barker, hay salamat, akala ko late na ko. 50 meters bago dumating sa pinapasukan ko (Pascual lab) lumiko sa kanan naming ang sinasakyan naming jeepney, nakita ko na lang isang lalaking naka-uniporme na may hawak ng nozzle ng gasolina, si manong driver naman oh, ngayon pa nagpakarga. Ang tagal-tagal naming nag-antay sa Petron bakit hindi pa don nagpakarga, walang kaming magawa kundi magpahabaan ng buntong hininga, haaayyyyyyyy! Nilingon ko ang relo ko at napansin kong dalawang minuto na lang mag-aalas-otso na. Dali-dali akong bumaba ng sinasakyan kong jeepney, na nagpapakarga pa din, at nagsimula ng mag-walkathon, para umabot sa oras. Kaso kahit anung bilis kong magwalkathon o kahit pa tumakbo ko, huli na ang lahat, 8:01 na. Ayun, late na ko ng 30 minutes.
SEPTEMBER 2008: Sinumpa ko ang mga jeepney drivers nuong araw na yon. Kaya pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi nako sasakay sa mga nakapilang jeepney sa gasolinahan na yon. Mula ditto sa bahay, tricycle na lang sasakyan ko at magpapahatid hanggang sa pinapasukan ko, tulad ganun din naman ang gastos sa pamasahe. Sa mga araw na ginawa ko ang planong yon, walang late at minsan sampung minuto pa bago mag-alas-otso nasa opisina nako, ayus ang diskarte ko, naks! Walang late, makaka-perfect attendance yata ako. Kaso dip ala lahat ng panahon ok ang ginawa kong diskarte, may pagkakataon pa rin na di mo inaasahang mangyari. May nasakyan akong tricycle isang umaga papasok sa trabaho, bago pa man din ako sumakay sa kanya, sinabi ko, “Ma, Pascual po, papaderecho po!” tumugon ang mamang driver kaya’t dali-daling sumakay ako ng tricycle. Sa kalagitnaan ng biyahe, huminto ang sinasakyan kong tricycle, at may sumakay na matandang ale, may dalang basket at mukhang mamalengke. Sabi ng mamang driver sa akin, “Sir, hated ko lang to sa palengke ha, tapos derecho na to tyo,” sino ba naman akong tatanggi kung katabi ko na ang ale at pababain pa, at sabihing, “Akin tong tricycle na to, inarkila ko nato! umalis ka na dyan, bumaba ka na.” Wala kong magawa kundi titigan ang orasan at sana makarating sa paroronan ko na hindi malalte. Pero umabot naman ako sa gate ng pinapasukan ko, 1 minuto bago mag-alas-otso, kaya’t nagmamadali kong inabot ang bayad sabay baba at takbo patungong biometric. Pagdating sa biometric, lintek ayaw masahin ang fingerprint ko, sabi nila mas male-late ka kung hinihingal ka at nagmamadali ka, di nababasa ng biometric ang fingerprint mo pag may kaunting pagbabago sa normal na takbo ng katawan mo, dang selan, kakabwisit… ayun late na naman ako.
OCTOBER 2008: Next strategy ko, agahan ang pasok, ibig sabihin agahan ang gising. Makarating ka man ng sobrang aga, ayos lang, di ka naman male-late. Tulad ng nabanggit ko kanina, may pangyayari pa rin sa hindi sinasadyang pagkakataon, ok n asana yung strategy, kaso pano ka makakaligtas o makakiwas sa trapik, may nasiraan dawn g malaking truk ng palay sa daraanan naming kaya’t naging single-lane lang ang daan. Sa dami-dami naman kasi ng oras na masiraan ang trak na yon bkit sumabay pa sa rush hour. Ayun, nagkabuhol-buhol ang mga sasakyan, walang nagkusang ayusin ang trapik, kaya’t ang ilang maliliit na sasakyan nakuhang sumingit na naging dahilan ang malubhang trapik. Ang bango at ang linis mong umalis ng bahay, maiipit ka lang sa trapik, nasa harap mo pa nag jeep na panay ang pagbuga ng maitim na usok. Naayos naman ang trapik, 5 minuto na lang malelate na ko. Ayun naman, 5 minuto din akong late.




Bumili kaya ako ng pangarap kong sasakyan? Yung 1st generation RAV4! Di na kayak o male-late? Di na kasi ko masasakay sa mga jeepney na may driver na buwaya sa pasahero, wala ng inaatay na pasahero dahil ako lang ang driver at pasahero, control ko na ang pagpapagasolina at makakarating ako sa nais kong marating sa takdang oras. Din a ko sasakay ng tricycle at makakatabi ang ibang tao na may nais ding puntahan dahil di naman ako diyos o hari para ako lang ang ihatid nila, di bali nang maipit ka sa sobrang trapik basta’t nakakulong ka lang sa sasakyang mong de-aircon at may music pa, magpausok man sila ng magpausok bahala sila sa buhay nila. Alam ko di ko pa kayang bumili ng pangarap kong RAV4, pero di naman masamang mangarap, college pa lnag ako pinangarap ko na yan. Pangarap na sana balang-araw maisakatuparan ng isang tulad ko.

Monday, October 13, 2008

GOMA & LUCY

A Plant Visit to PLI
Hindi ako big fan ni Richard Gomez, hindi dahil nagkabilang bakod sya ng istasyon kundi, wala lang. Pero, Lucy Torres-Gomez, Huuuugeeeeee Fan! Nakaka-agaw pansin sya pag napapanood ko sa TV, mula unang tv show nya,remember Richard Love Lucy, shall we dance, kung saan host sya, hanggang sa A Sweet Life,. Ang swerte naman ng asawa nito, probinsyanang class… sobrang puti, maria clara ng modernong panahon. Kaya naman ng malaman kong bibisita sila ng asawa nya sa pinapasukan kong kumpanya. FYI, Lucy Torres & her daughter ay endorser ng isang gamut na gawa ng Pascual, ang ASCOF Lagundi Syrup. Sayang lang at pinagbawal ng company naming ang magdala ng camera, pati celfone bawal, pinaiwan sa guardhouse. Pero may chance naman daw kami Makita ang mag-asawa ng lapitan at magpakuha ng pictures. By batch nga lang. Ang mga pictures ay kuha ng SCM-IBL Manager, si Sir Deo;

"Flawless Beauty, crush ko na sya...ngayon din!"

"थे गोमेज़ कपल"


MAD-EYE MOODY, CAT AT KOALA BEAR

Linggo na naman, ang paborito kong araw, pangalawa sa sabado. Nuong nasa Kolehiyo pa ako ito ang pinaka susumpa kong araw, dahil tuwing linggo pumapasok ako suot ang mainit na uniforme, ang ROTC, kung saan maghapon kang nabilad sa araw at nakaupo sa damuhan. Dalawang taon kong tiniis ang ROTC. Pero ngayong tapos na ang hirap ko don at ganap ng inhinyerong sibil, ang araw na ito na ang paborito ko, inuulit ko...pangalawa sa sabado, bakit? Dahil ayokong dumating ang gabi ng araw na to dahil tapos na ang puyatan at tv o DVD series marathon. Kung kailan umaatake ang sakit ko, ang sakit ng katamarang pumasok. Sarap kaya bumawi ng tulog pag weekend, alas-10 ng umaga o minsa'y alas-onse na ko gumigising..hehehe.. totoo! Peksman! mamatay man!.
Bakit nga ba linggo? ang araw ng linggo ang araw kung kailan ko lamang nakakasama ang pamilya ko at nakakapiling ang tatlong babaeng bahagi na ng buhay ko...

ANG MAD-EYE MOODY
Sinasabing black sheep daw ng pamilya, moody kasi, toyoin, mainitin ang ulo pag galing trabaho, minsan sumasagot sa nakakatanda sa kanya. Pero para sa akin the best 'tong kapatid kong to, malambot din naman pala ang puso, basta pamilya namin o magulang namin ang nasasangkot sa isang problema. Ang kapatid kong may phobia sa ospital, takot sa bubwit at kuting, at kung may tangka kayong takutin sya, binabalaan ko kayo... mababasag ang mga eardrums nyo...sa lakas ng sigaw at tili na akala mo'y nakakita ng multo o nakapasok sa bahay ni lola. Yan si anne, ang pangalawa sa aming magkakapatid.

ANG PUSA-CAT

Ang pusa, tahimik lang, poise lang kung maglakad, kaya minsan hindi mo malaman kung isa ba tong babae o lalaki. Ang pusao malambing sa amo, pag lumapit sayo at inikut-ikotan ang binti mo, ramdam na ramdam mo ang lambot ng balihibo nito.
Ganyang si Cat-Cat, ang bunso sa aming tatlong magkakapatid. Dahil bunso, malapit at malambing sa nanay at lalo na sa tatay. Kaya nga sya ang paborito sa aming magkakapatid ng aming mga magulang. Dahil bunso at malambing din sa akin, sya ang paborito ko…(Mahal kita Anne…wag ka na magselos).
Malambing din kay Nina, asawa ko, lalo na kay Wuwu, aso naming (askal pero bibo) Tulad ng isang pusa, tahimik lang pero kakaibang maglambing, kulang sa salita pero sobra-sobra sa gawa. Kaya minsan hirap hindian.



ANG KOALA BEAR
Nayakap ka na ba ng isang koala bear?
Nakakita ka na ba ng isang koala bear kahit sa picture lang?
Isang koala bear na nakayakap sa isang sanga?

Hindi ba ang higpit ng pagkaka-kapit nya sa isang sanga ng puno? Sa amo ng kanyang mukha, parang ang sarap pumunta ng Australia at mag-uwi ng isa, alaggan, itabi sa pagtulog habang nakayakap syo. Hindi ba ang sarap non? Ang isa sa pangarap kong alagaan na hayop nuong bata pa ko.
Si Maricar a.k.a. Niña a.k.a Babba ko, ang tumupad sa pangarap ko na to. Pangarap ko na kahit di man ako makarating ng Australia at makakita, makahawak o mayakap ng personal ang isang koala y ayos lang.
Siya ang koala bear na yumayakap sa akin sa tuwing uuwi ako galing trabaho, yakap na pumapawi sa pagod ko. Mga ngiti at salubong ng yakap ang dahilan kung bakit
Ayoko ng overtime. Yakap kung bakit sanik akong dumating ang hapon ng Friday, dahil kaunting oras na lang at Niña’s weekend na. Ang yakap kung bakit mahimbing ang tulog ko gabi-gabi. Yakap na ramdam ko ang katahimikan ng isipan at ginhawa sa pagtulog. Ngiti at halik tuwing paggising sa umaga, lambing kung bakit graduate na ko sa mga gimik kasama ang barkada.
Mangangarap pa ba ko na pumunta ng Australia at makakita ng isang koala bear? Kung si babba na ang yamang pinangarap ko, pangarap na natupad ko.
Yan ang babba ko, si Mrs. Maricar R. Calalang!
Ang Mrs. Engr. Sherwin a. Calalang!
Ang Buhay ko!
Ang Mahal ko!
Ang Babba ko!
Ang Koala Bear Ko!

Thursday, October 9, 2008

Maxim 28

MAXIM PHILIPPINES OCTOBER 2008 From unknown to top model, and now a fast-rising ABS-CBN television star…that can only be one person—the beautiful Regine Angeles! Putting all those modeling lessons from her participation in the Be Bench Model Search reality TV show to the test, the statuesque Regine makes her men’s magazine debut this month in MAXIM PHILIPPINES. Photographed by the talented lensman Doc Marlon Pecjo, Regine’s shoot is sure to surprise and shock her fans, as well as win her new ones.
Also in the latest issue of MAXIM are five other stunners, led by the young and pretty jewelry designer Ciara Marasigan. A petite beauty, she stars in a vintage-inspired photo shoot; sophisticated yet very sexy! Two others have a wet & wild theme: the half-pinay, half-Puerto Rican Justene Jaro and Fil-Am Diane Evangelista, while Aze Sasaki dares to take it all off in a dramatic nighttime shoot. Our fifth must-see pictorial features the “Queen of Burlesque” herself, Dita Von Teese. She’s naughty but nice…very nice!
But that’s not all. Check out our interviews with the singer Miguel Escueta, NU107’s main man Atom Henares, singer Jed Madela, Hollywood actress Anna Faris, and the tattoo artists from the show London Ink. We get our sports fix with our fearless prediction on the 2008-2009 NBA Season, then we hit the road in the new Alfa Romeo 8C Spider. After all that, we chill out on the beach and learn fashion tips from Pinoy Dream Academy’s Sen Nichols, it’s our treat for the ladies. Yes, all these and more are in the latest issue of MAXIM. Get it now!

Sunday, October 5, 2008

JOLOGS '95: 13 YEARS & COUNTING















3 YEARS






Related Posts with Thumbnails

Followers