Saturday, July 11, 2009

Anahaw Resto Garden

2004, taon kung saan ay natuto akong gumimik, natutuong magpatumba ng ng ilang bote ng San Mig Light. Taon kung saan nalasap ang high ng yosi, nagsimula sa hilo at hanggang sa hinahanap na ng katawan ko. Dahil binata pa ako ng taong iyon, wala akong hilig kundi sumama sa barkada ko tumambay sa mga gimikan dito sa Bulacan, sikat pa noon ang Gio's na sa ngayon ay sarado na yata. Acoustic ang tema ng bar, masarap tumambay at makipagtaasan ng ihi sa kainuman. Mga kwentong totoo at mga kwentong kaduda-duda. Nakakamiss ang ganyang lifestyle, dahil simula ng nakapag-asawa na ako, graduate na ako sa ganyang uri ng gimik.

Kaya kung inuman o tamang lasing lang ang pag-uusapan, hindi ako dumadayo sa kanila, sila ang dumadayo sa bahay para makipag-tagayan, mas okay sa akin yun, dahil ilang hakbang lang ay hihiga na ako sa sobrang kalasingan, hindi ko na kailangan pang bumiyahe ng malayo at labanan ang antok at kalasingan. Pero may hinahanap pa rin akong saya, sayang hindi ko na nararanasan sa ngayon, ang gumimik tuwing friday o saturday nights.

Nitong nakaraang huwebes, nakantsawan lang namin ang isang contractor dahil sa billing nila sa amin. Inayos namin ng maaga ang kanilang progress billing upang maipasa agad sa accounting at finace department. Nahiya yata itong contractor kaya niyaya kaming lumabas, after office hours. At iyon nga sa Anahawa Resto Bar kami dinala. Walang tao dahil 5pm lang ay nandun na kami, pumili ng mas magandang pwesto na kubo, at sabaw tawag sa kaaya-ayang waitress, si Erlin. Maganda sya kung titittigan mo, pero nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa asawa ko at pagiging mabait na may asawa. Hapunan muna kami, crispy pata, sizzling sisig kapampangan style, spicy chicken, lahat ng nasa menu na may cholesterol pinatos namin. Nakalimutan kong bawal sa akin ang mga ito dahil sa operasyon ko ilang buwan na ang nakakaraan, pero okay lang minsan lang naman, alangan namang umorder ako ng lugaw bahay sa resto bar na ito, tapos tatagay ka ng malamig na san mig light? hindi yata nababagay yun. Parang gago yata ako kung magkaganun!
Ayun! matapos ang hapunan, hindi na namin mabilang kung nakakailang bucket na ba kami, ang huling bilang ko at 3, pero ang ilan ang sabi ay 7 at ang isa ay nagbibilang na pangwalo na daw. Sa sarap ngmkwentuhan, hindi namin namalayan ang dami ng nainum, kaya ang ilan sa amin, lumabas ang tapang at nawalan ng hiya, kumanta pa sa harap sa may stage, habang pinapalakpal\kan ng utu-utong kasamahan. Papahuli ba naman si Mokong sa kantahan? basta't may mic at videoke, hindi ako appayag na manonood lang. Dahil kamnga lang muna ang atao sa resto bar, malakas ang loob kong gawin ang gusto ko, ibirit at abutin ang notang hindi ko naman talaga naaabot, pero sa pandinig ko parang mas maganda yata ang tono ko pagkaka-inom...lasing na ba ako o maganda lang yung sound system? ah basta nag-enjoy ako.
Namiss ko ang ganitong gimik, pero hindi na muling ibabalik ang buhay ko noong binata pa ako, masaya na ako ngayon, kahit minsan lang naman ay ma-enjoy ko ang buhay ko. Parte na yan ng buhay Enhenyero, pakikisama sa cliente, pakikisama sa mga kaopisina, at pakikitungo sa mga taong naituring kong kaibigan.

3 Comments:

I am Xprosaic said...

Ahahahahahahhaha... ganyang ganyan nga ang gawain ng taong lasing! hahahahahahhaha... sige lang minsan lang naman eh... saka libre pa! jijijijiji

Niña said...

Naks ganyan talaga pag lasing malakas na ang loob..ok lang naman na uminom ka eh basta ba wag lang madami kasi masama sa liver mo un..Minsan lang naman diba? may tiwala naman ako sau kaya wag mo sisirain...magpapaalam ka lang ng maaus at aprub ka skin...hehehe..lub u!

Mokong™ said...

XPROSAIC: Coinsidence tol..nakaklasing yung post natin ngayong araw nma ito ah!! hik hik hik!

NIÑA:LOve you too bhe...naks nakapagcomment ka na..antayin ko na lang ang 1st blog entry mo..kelan kaya? naiinip na ako!...

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

Followers