Thursday, July 23, 2009

Morning Rush 24

Napapansin ko ngayon puro horror, comedy, love story na lang ang movies ng pinas, wala na masyadong action and heavy drama, Sa indie film mo naman makikita yung mga suspense or mga intriguing movies. Mas astig pa nga yung mga indie films na iba kesa sa ibang big production movies.

Sa napapanisin ko mas maganda and orig ang stories ng movies noon kesa ngayon isa sa naiisip kong dahilan bakit hindi masyado nag eeffort ngayon ang mga big movie companies dito ay dahil sa piracy.. Napakatalamak na piracy yan, showing pa lang sa sinehan nabebenta na sa dvd, bakit ka nga naman manonood ng sine worth P130 eh mabibili mo lang sa labas ng P35 marami pa pwede manood. Ang di ko maintindihan bakit ganun ka talamak ang bentahan nito, as in public na makikita ng kahit sino. Kahit ako aminado ako bumibili ako pirated dvd. Nadadaanan ko eh, kaya naaakit din ako bumili.

Pero bakit nga ba mas pipiliin nating manood ng foreign film kesa sa local? ilan ba ito sa mga dahilan?

Signs That You’re Watching A Pinoy Movie 060508

01. Kapag yung sound effect ng suntukan, parang pakwan na dini-dribble.
02. Yung kontrabida yayakap sa bida, sabay taas ng kilay at ngingisi.
03. In a Pinoy cowboy movie, when the bida is shootng at the indians, he never runs out of bullets. But once it’s the contrabida, he suddenly runs out of bullets so they have to have a fist fight!
04. Pag may magkaribal na babae, yung mabait diretcho ang buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.
05. Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
06. Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
07. Kapag may angry mob na pupunta sa bahaykubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.
08. Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na niya yung title ng pelikula.
09. Sasayaw sa likod ng puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa yung mga ulo nila.
10. Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya ng bida. Yung bida naman ang nasa gita ng kalsada. Biglang may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang niya arms niya covering his face tapos sisigaw yung kapatd ng ‘kuyaaa!’. Next scene nasa ospital na sila. Simula na ng drama.
11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.
12. Kapag may sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang sasabihin ng bida: “hayop ka!”
13. Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong magiging anak ng amo niya sa ending.
14. Laging sa Fairview pag may car chase scene.
15. Ang nanay ng mayaman laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng mahirap laging naka duster.
16. Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagsa-slide dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching uhog.
17. In a love triangle, the less popular actor of the 2 vying for the leading lady, will either die, go to prison, go abroad, or gives in na lang.
18. Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”
19. Sa comedy movie pag may patay, laging may bulak sa ilong.
20. Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo niya.
21. Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, “Mga bata.”
22. Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast…sabay freeze.
23. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
24. Sa pinoy movie, after the rape scene, makikita mong naka-panty pa rin ang biktima.
25. Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool.
26. Pag horror movie, yung mga halimaw parang gawa sa gulaman.
27. Pag car chase scene, laging may mababangga na patong-patong na kahon, o kaya kariton, o kaya fruitstand.
28. Marunong gumamit ng baril at asintado ang leading lady, kahit unang bese palang siya nakakahawak nito sa buong buhay niya!
29. Pag Seiko Films during the late 80’s/early 90’s, laging may kanta ng Michael Learns To Rock.
30. Ang pancit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pancit sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng “Inaaay!” at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pancit, nakakamatay.

6 Comments:

Badong said...

talaga? sa fairview lagi yung mga car chase scene? di ko alam yun a.

gillboard said...

kelangan talaga... pancit, nakakamatay!!! lolz!!!

laging nakikidnap ang syota ng bida... nakalimutan ata yun... hehehe

superjaid said...

wahaha lahat yan nakita ko sa movies ng late fpj, da boy, at tsaka kay bong revilla,wahaha Ü madali talagang malaman kapag pinoy ang gumawa,pero ngayon, saludo ako sa mga indie film-makers..magagaling talaga..

Solo said...

Nyahahaha..Walang tulak kabigin..=D Lahat maganda. Ano paba pwd ilagay?! hehehe


Summer
A Writers Den
The Brown Mestizo

Yodz said...

Naalala ko yung No. 22, halos lahat dati ng filipino movie may song and dance number, minsan hindi lang sa ending, pati na rin sa kalagitnaan ng drama or action... Har har har... buti ngayon wala na ata..

The Pope said...

Thanks for sharing this post, it gives me a break from a very busy life... isa akong tumatangkilik sa pelikulang Tagalog kaya't madali akong naka relate sa mga binanggit mo, hehehehe tama ka, salamat sa iyong mapanuring panlasa pagdating sa pelikula, patuloy na pinabibilib mo ako.

God bless you and happy weekend bro.

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

Followers